Saturday, January 16, 2016

Stranger. Friends. Lovers. Strangers.



They met, become friends, fell in love, and forget, 
that's how a typical story of love is meant. 
No matter who and where you met, 
it'll be memories, all the time you spent. 

It doesn't matter how many years at all, 
through thick or thins, problems big or small. 
Because after all, nothing last forever, 
and sooner or later, you'll realize it’s over. 

You see, love can be the most precious thing, 
And it could be the reason for the most unforgivable sin.
They say love is pure and all those cheesy cliches
But it is so unbearable when it ricochets.

Stranger, Friends, Lovers, Strangers.
They met, become friends, feel in love and forgets. 
Some of them go, but some of them lingers, 
and some are still stuck in denials and regrets.

Friday, January 15, 2016



As i lay sleepless.


As I lay sleepless, I cannot help but think.
The things we could’ve done, and what we have become.
That in just a moment, faster than a blink,
We can no longer be together, now the misery begun.

As I lay sleepless, I cannot help but feel,
The emptiness of the world, the overratedness of grief,
And I realized, how love is so surreal,
All I can do is smile, in disbelief,

As I lay sleepless, All I can do is write,
Immortalize those moments of my screwed up life,
even though i’m doing what I think is right,
It feels like being stab by a thousand knife,

As I lay sleepless even though I’m tired,
Reality has struck me, back then  I’m blind,
even though I did everything, and tried,
But you can never guess, what’s on cupid’s mind

Tuesday, January 5, 2016

Lego




 "Lego"


I sat there alone, with no one to share,
the reality of life that seems so hard to bear.
Minding my own life, no one really cares,
Until someone came along, and made me her's.


She picked up all the pieces of my broken life,
She made me believe that life's not about hatred and strife,
What i thought was the happiest day of it all,
But like the Tower of Babel, I was destined to fall.



She made me towering, sturdy and tall,
But the reality of life i forgot to recall,
that all of this would just vanish without a trace,
And in an instance i'm broken again, back to the old days.



And then came along another one,
She picked up all the scattered pieces, but some pieces are gone,
With all what was left, she built me like new,
The realities of life, i thought i already knew.



And then again, i was left battered and scarred,
By this time, i was so broken that rebuilding is hard,
Oh God Eros, how could you let me be,
Built and be torned again, please answer thee.



Here i am now, lacking but still fixable,
Broken, yet unbowed, still standing tall,
And after life has taken it's toll.
Will i ever learn, after all?

Monday, March 11, 2013

Kwentong Alak: Unang Bote

"Alam mo naman palang di na sya babalik eh, eh ba't ka nagkakaganyan ngayon" tanong ng utak ko.

"Wag ako yung tanungin mo, ideya lahat ng puso ko to" sagot ko sa kanya.

"Ikaw puso kahit kailan ka talaga eh, wala ka na ba talagang ibang alam gawin kundi magpasakit sa mga tao?"  Sumbat ng utak ko.

"At ako pa ngayon?, eh ikaw nga tong bumabalik-balik sa mga alalang nangyari sa kanilang dalawa, kung di mo ginagawa yun, edi matagal ng nakalimot yan?"  Galit na sagot ng puso ko.


"Wag na kayong mag-away dalawa, ako rin ang may kasalanan nito, hinayaan kong mangyari sakin to, nadamay lang kayo" Pagtutol ko sa kanila.


Marahil ganito ang araw-araw na usapan ng Isip at Puso ko. Magulo walang katapusan, parang traffic sa Taguig-Pateros, mabagal ang usad, walang ng solusyon.

Eh pano nga ba nangyari sakin to? mali, hindi yun ang tanong. Matagal ko narin namang nagawang maging magisa na me, myself and i lang ang kasama ko.

Pero di natin dapat pinaguusapan to, tumagay ka muna, sisimulan na natin ang kwento, kwentong barbero.

Saturday, March 9, 2013

Introduction: Kwentong Alak.

Mag-aalas dos na ng madaling araw, di pa din ako dinadalaw ni antok. Andaming bagay ang tumatakbo sa isip ko, bwisit di ako. Mga bagay na di naman dapat pumapasok sa isip ko, mga bagay na ayaw ng maalala ng utak ko, mga bagay na sana di nalang nangyari, at higit sa lahat, mga bagay na sana nangyari.

"Di na sya babalik Ram, tama na"

Alas Tres. Wala padin. Kaya minabuti ko nalamang bumangon sa kinahihigaan ko, at dumukot ng singkwenta pesos sa pitaka ko. "Sh*t, paubos na pala budget ko" At saka lumabas sa kwarto. "Isang bote lang katapat nito, kailangan kong matulog, kailangan kong makalimot".
Madaling araw na ngunit kapansin-pansin padin ang dami ng tambay sa lansangan, mga taong wala naman hinihintay pero tila may inaabangan, yosi dito, inum dyan, gandang buhay diba?.

Kaagad akong dumetso sa pinakamalapit na tindahan,

"Pabili namang isang maliit ng redhore, at dalawang marlborro lights yung sukli sugo nalang" bungad ko sa tindera.

Pagkabigay na pagkabigay sakin ng mga pinamili ko, nakangiti akong bumalik sa bahay, at kaagad akong umakyat sa third floor ng bahay namin, at binuksan ko ang "gamot" na dala-dala ko.




"Buti ka pa naiintindihan mo ko" sabay lagok sa paboritong inumin ng mga kagaya ko.

"Syempre, kaya nga ako inembento eh para samahan ang mga taong tulad mo" sagot nya.

(Ooops, di nangyari yun, hahaha, ganito ang nangyari)

"Buti ka pa naiintindihan mo ko" sabay lagok sa paboritong inumin ng mga kagaya ko.



Hithit, inom, parang nagiging gamot ko na yun para sa sakit na walang lunas, sakit na walang sintomas, sakit na purong sakit lang, sakit na isa lang ang gamot, ang MAKALIMOT.

"Nakakabaliw ah?, walang makajamming" At kinuha ko yung cellphone kong naka-Unlicall to all networks. Dial ng random number.

At heto ako ngayon, kausap ka. Oo ikaw na nagbabasa, samahan mo ako, pakinggan mo ang bawat ikwekwento ko, mga bagay na wala naman katuturan sayo, pero mahalagang mailabas ko.

Isipin mong magkasama lang tayo ngayon, magkainuman, magkakwentuhan. Wag ka magalala ako ang gagastos, sagot ko ang alak, yosi, pulutan, kwento ang tanging gagawin mo lang ay umupo't makinig sa mga bawat kwento, kwento kong paano to nangyari sakin, kwentong di ko basta-basta nalang kayang limutin.

Thursday, March 7, 2013

Kabanata IV: "Si Ms. 2011" Part Two

Part One

February 22nd

Recognition day nung araw na yun.

Yung awarding nang kung sino yung mga nageexcell sa klase per period.

After a short program, isang dosenang sermon courtesy of Ma'am BiƱas

Nagsimula na yung honor rolls.

Ninth sya sa section nila nun.

Ninth din ako.

Coincidence? :))


February 23rd

Nakita ko syang nakatambay sa labas ng classroom nila.

"Hi" bati ko, pero di sya umimik.

"May problema ba?" tanong ko.

"Wala naman, may itatanong lang sana ako" marahang sagod nya.

"Ano yun?, is there something wrong?" sagot ko.

"Anu na ba tayo? Naguguluhan na ako, nanliligaw ka pa ba?" sabi nya.

"Hmm, di ko din alam eh, basta masaya ako sa kung anung meron tayo. di ko nga din alam kung nanligaw pa ako sayo" sagot ko.

Hindi s'ya umimik..


Kinagabihan, nagonline ako sa Facebook.

Palit ako ng status.

Ram Guevara is in relationship with Y**** A*** D******* E********.

Accept nya kaya? alamin.

Nagulat nalang ako ng wala pang 5 minutes, nagonline kagad sya. at piniem nya ako.

"Ako na ba talaga?" Sabi nya,.

"Bakit ayaw mo ba?" Sagot ko.

"Talaga? :)"

"Talagang talaga, Mahal kita"

"Mahal din kita"

At yun na nga. We are officially "We". But, nalalapit na rin akong umuwi sa Manila.
Di ko padin nasasabi sa kanya, di ko din alam kung paano ko sasabihin sa kanya, ayaw kong masira kung anung meron kami sa mga panahong yun.

Maayos na ang lahat samin, her mom knows me and trust me. Wala ng gap between us two. She shares her secrets to me, parang we're each other's bestfriend kind of relationship. Almost hatid-sundo ko sya araw-araw,  But she has to know.


"Pak! Pak! Pak"

Yun nalang ang tunog na naririnig ko nun, habang nakablindfold ako. Isang malakas na hampas ang kasunod ng bawat palakpak na yun, hampas na hindi ko na matandaan kung paano ko kinaya o sadya lang talagang malakas ang threshold ko sa sakit. Kinagat ko nalang ang dila ko nun, di lang dahil sa sakit, pero dahil ayaw kung magmura, back to zero eh (haha).

At natapos na, after two hours ng walang humpay na paluan at sampalan. Pero parang wala lang, hindi naman ako naging warfreak or lumaki ulo ko. Kaya lang naman ako sumapi sa kulto na yun ay dahil sa gusto ko lang ng maranasan yung thrill ng hazing. Wierd. That didn't satisfy me.

Pauwi na sana ako nun, pero kina Geron ako dumetso, nanghingi muna ako sa kanya ng hot compress dahil yun daw gawin ko sabi nung mga kasama ko sa frat para di lalong mamaga yung hita ko, (which didn't work)

Geron: "Online sya oh"

Kaagad dumetso ako sa computer cafe na pinaglalaruan nya.


"O anu nangyari sayo?!" Pagalit nyang sinabi sakin.

"Wala lang, Tinry ko lang kung masakit" Sagot ko.

"O ngayon alam mo na?!" Sagot nya sabay batok sakin.

"Di ka man lang nagsabi sakin" Dagdag nya,

"May sasabihin sana ako" Sabi ko.

"Anu yun?" Kinakabahang sagot nya.

"Panu ko ba sisimulan to" Sabi ko.

"Anu nga?!" Iritang irita na sya nun.

"Hindi na ako magtatagal dito" mahinang bulong ko, di ko nga halos masabi yung mga dapat sabihin ko pero kailangan.

"Di kita maintindihan" sagot nya.

"Uuwi na ako sa Manila after graduation" sagot ko.

Di sya nakasagot nun, hinayaan ko lang sya. Hindi ko din alam kung anu ang mga tamang salita o pambobolang dapat kong sabihin para di na sya masaktan ng husto. Pero wala na, nung una palang sinaktan ko na sya. Dapat di ko nalang sya sinuyo't niligawan kung bandang huli, iiwan ko din sya.

Ngumiti lang sya.

"Hayaan mo na, kung tayo talaga, tayo talaga." Sabay hinalikan nya ako sa pisngi ko.

"We have the right love at the wrong time?" Pabirong tanong ko.

"Ganun na nga siguro, pero wala akong pakialam, ang mahalaga ay ang ngayon" Nabuhayan ako ng loob nang narinig ko yung sagot nyang yun.

"Mahal kita, Panget" Sabi ko.

"Mahal din kita" Sagot nya


Naging okay padin naman kami nun, except for a few things, we never promise anything to each other for the future.

But lahat ng mga bagay ay may katapusan.

Graduation Day....


Masaya lahat ng tao, mga hindi makapaniwalang after ilang try sa highschool nakatapos din, mga taong di makaget-over sa mga memories na nangyari sa isang buong taon, mga teacher na nabunutan ng tinik dahil mawawala na ako este yung mga estudyante nilang pasaway, mga teacher na proud dahil nagbunga yung pagtuturo nila ng kaalaman at mabuting asal sa mga estudyante nila.

Iba ang nararandaman ko nun.
Magkahalong hangover, lungkot, saya at kaba yung nararandaman nun.

Unti-unti nang dumadami ang tao, magsisimula na ang programa, pero wala pa sya.
Di ako mapakali sa kinatatayuan ko nun. "Hindi na nga siguro sya pupunta"

Di ko padin alam ang dahilan kung bakit "Where are you now" yung graduation song namin, dahil ba sa "To my favorite teachers who told me never give up" Di ko alam. Kung ako ang tatanungin mas maganda pa kong "Tama na yan inuman na" yung farewell songs :))


Emosyonal na natapos ang gabing yun. May mga nagsasaya, umiiyak, nagtatatalon sa tuwa, mga di padin makapaniwala, at nakahinga na ng maluwag dahil natapos na ang kundi man apat na taon o higit pang pakikipagbuno nila sa highschool ay nakamtan nadin nila ang diplomang matagal na nilang hinahangad.

Natapos na ang lahat, natapos na ang iyakan, ang mga tawa, ang mga body bumps, pero di ko padin sya nakikita, di nya ako nilapitan. ASAR.

Siguro, naasar yun dahil sa niyakap ko isa-isa lahat ng mga babaeng graduates nun xD. Pero hindi din.
Basta.

Kinagabihan, di ako makatulog. Bukas, aalis na ako, kagad. Ang bilis din ng mga pangyayari, ng panahon. Natatawa nalang ako kapag naiisip ko yung katagang binanggit ko nung papunta palang ako dun.
"Sana mabilis lumipas ang panahon, para mabilis akong makaalis sa lugar na to" kakainin ko ata ang mga sinabi ko. Napamahal ako sa lugar na di ko inakalang magugustuhan ko. I came to hate the place, but found love instead.

Kinabuksan di ako natuloy sa Manila, bukas nalang daw, dahil naubos yung ticket sa bus. Di na ako nagsayang ng oras pa, hinanap ko sya. Nasa Computer shop sya nun. At andun yung Kuya niya, Si Tita, ang kapatid nya, at yung GF ng kuya nya. Noong una, nagdalawang isip ko kung itutuloy ko pa, pero bahala na, paalis narin ako, gusto ko muna sya makasama.

"Hi Tita, Magandang Gabi po" Bati ko. Lumingon sya, at nagulat na andoon ako.

"Hi Panget, Matagal ka pa?" Bati ko.

"Oy, tama na yan, bukas wala na sya, eh may fb pa naman bukas, out ka na" Sabi ng kuya nya.

Lumabas na kami noon sa computer shop. Walang umiimik, di ko alam kung ano ang sasabihin ko, di ko alam kung paano ako magpapaliwanag. Nakatingin lang sya sakin noon, Hinihintay nyang magsalita ako.

Naglakad kami papunta sa kanila. Kailangang may sabihin ako. "Think Ram, Think"
"Bat di ka pumunta dun sa Graduation?, Hinihintay kita"  Tanong ko.

"Andoon ako, kasama ko si Mama, nanood kami" Sagot nya.

"Eh bat di ka lumapit?, alam mo namang ikaw lang ang gusto kong makasama sa mga oras na yun" Sabi ko. At hindi sya sumagot.

"Alam mo naman paa...." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko, di ko padin matanggap sa sarili ko na iiwan ko na sya, na bukas, mala imposible na kaming magkita.

Nawala ang mga ngiti nya, at parang bigla nalang tumahimik lahat. Di ko alam kung ako lang ba yun o parang tumigil ang buong paligid.

Nakarating na kami sa bahay nila at that time, at naupo kami dun sa labas ng bahay nila.

"Pano ba to?" tanong nya.

"Bye na?, is it over for us?" tanong ko din.

Sabay kaming napabuntong hininga.

"Babalik ako, sooner or later, basta babalik ako" Sabi ko, wala na akong masabing iba.

"Hindi ako makakapangakong mahihintay ko ang pagbabalik mo" marahang sambit nya.

"Alam ko, hindi ko rin alam kung kailan ako makakabalik dito, pero babalik ako" Sagot ko sa kanya.

Gumagabi na noon, at di ko alam, pero gusto ko na umuwi, gusto kong uminom.
Nagpaalam na ako, at hinatid nya naman ako sa labas ng bahay nila.

Matagal kaming tumayo noon, nakatayo lang, alam kong hinihintay nyang yakapin ko sya, halikan.

Pero di ko ginawa, Di ko din alam kung bakit.
Nilakad ko na naman ulit hanggang sa amin dahil hindi padin ako makapaniwala. Wala na.

Paguwi ko, nalaman kong nareschedule ulit yung pag alis ko. But di nalang ako nagpakita sa kanya, buong araw akong tumambay sa baybay noong araw na yun. Nagiisip kahit wala namang isip.

Kinagabihan.

Nagonline sya sa CF.

"Nasan ka?" tanong nya.

"Nandito kina Geron" sagot ko.

"Kala ko paalis kana?" tanong nya ulit.

"Bukas pa daw pala" sagot ko ulit.

"Hmm." reply nya,

"Noong isang gabi, gusto sana kita yakapin pero di ko magawa." reply ko.

"Bakit?" Tanong nya.

"Natatakot akong, baka di na kita bitawan ulit, or di na ako umuwi samin para di na ako pauwiin sa Manila" sagot ko.

"Paalam na, Mahal kita :)" sagot nya,

"Mas Mahal kita" sagot ko.

At nagout nalang sya bigla ..

End.


Friday, February 22, 2013

Kabanata IV: "Si Ms. 2011"

"Hindi ako makakapangakong mahihintay ko ang pagbabalik mo" marahang sambit nya.

"Alam ko, hindi ko rin alam kung kailan ako makakabalik dito, pero babalik ako" Sagot ko sa kanya.

Enero noon, taong 2011. Kasalukuyan akong nasa Iloilo noon dahil doon ko na tinapos ang aking sekondarya sa kadahilanang (secret xD) nung nakilala ko s'ya. Nasa ikatlong taon sya ng highschool noon samantalang nasa ikapat na ako.

Maganda s'ya, matalino at palangiting dalaga. Noong una palang ay napupuna ko na sya sino ba naman ang di makakapuna sa kanya, pero dahil pauwi narin ako sa Maynila pagkatapos ng Highschool minabuti ko nalamang na isa walang-bahala yung paghanga ko sa kanya.

"Isang araw, masasabi ko rin sayo"

Pebrero.
Buwan ng mga puso, di ko alam kung dala lang ba ng sobrang kakalaro ng Crossfire (MMOFPSG) habang walang humpay sa pagtagay ng pulang kabayo ay bigla nalang  tumaas ang kompyansa ko sa sarili ko at bigla ko nalang naiisip na "Sige nga Ram, sabihin mo nga".

"glamorous09 has logged in" sabi ng clan chat sa message's log

Nasa iisang computer cafe lang pala kami noon, nagCCF din sya kaya matyaga ko nalang s'yang hinitay. Open time. Habang tumatagal napansin kong pababa na nang pababa yung tama ko (patay), at dahil hiniram ko lang yung lakas ng loob ko sa alak, unti unti naring nawawala yung lakas ng loob kong yun. And finally after almost 2 hours natapos din s'ya. Nagdadalawang isip na ako nung mga panahong yun, tatanungin ko pa ba s'ya? Pano kung tumanggi s'ya?.

At naisip ko "Bahala na si Bathala". Pero paglingon ko, wala na s'ya, kaya hinabol ko sya, inabutan ko sya pero di ko alam kung panu sya tatawagin. Di ko alam kung paano nangyari pero napansin kong alam nyang sinusundan ko s'ya. At binagalan nya yung lakad nya. Sumipol ako, yung sipol na matinis, tumigil s'ya (epektib). At tuluyan ko na s'yang nilapitan, di na ko nagpaliguy-liguy pa.

"Ginagabi ng uwi ah" bati ko.

"Ikaw din naman ah, mas malayo pa nga inuuwian mo eh" sambit nya.

At sinabayan ko sya sa paglakad.

"Hinintay talaga kita eh" Pabulol kong sinabi.

"Lasing ka ba?" tanong nya.

"Liligawan sana kita, pero.." sagot ko sa tanong nya. Nakita kong nagulat s'ya, pero pangiti siyang tumingin sakin at sinabing,

"Edi manligaw ka, anong problema dun?" Sagot nya.

"Di ko alam, baka bastedin mo lang ako" Pabiro kong sagot.

"Subukan mo muna, panu mo malalaman?" At paakma na syang tatawid ng kalsada. Malapit na pala sya sa kanila.

At naglakad nalang ako umuwi papaulas ako. Hindi pa nagsisync sa utak ko na ginawa ko yun.

Kinabuksan..

Yuswal padin naman yung umagang yun. Ordinaryong araw, ekstraordinaryong pananaw. Hindi naman dahil sa manliligaw ako kailangan kong pumorma, hindi naman kasi ako mahilig pumorma. Basta maayos tingnan, okay na sakin yun.

Simpleng ngiti lang ang batian namin nung umagang yun. Sabay bati ng "Good morning"

Pero di ko alam kung paano o anung masamang usok yung nasinghot ko basta napapansin ko nalang na may 'something' sa mga tingin nya sakin. At napapansin ko nalang na patingin-tingin din sya sakin.

My first impulse was disbelief. Di naman kasi ako kagwapuhan. Pero lahat ng mga nagiging past ko. Sabihin na nating "Chicks" (H'wag lalaki ulo ah xD). Hindi naman ako magaling manligaw. Di ko alam hahaha. At ayun na nga. Nagkaroon ako ng lampas taong confidence, kinakausap ko na sya.

Makalipas ng mga ilang linggo. Ayos na kami. Magaan na yung loob namin sa isa't isa. Madalas na kami magkausap at magkasama. Hindi ko alam kung what's the real score with us pero okay lang di ko na malaman basta masaya kami.

Di ko matandaan yung araw basta Pebrero noon.
Araw ng kampanya nun para sa SSG (Supreme Student Goverment) at tradition na sa kanila yung panghaharana sa bawat classroom. At dahil tinatamad ako pumasok nun sumali nalang ako sa pangangamanpanya. Libre na merienda, legal na cutting classes pa xD.

At dun ko lang nalaman na uso pa talaga ang harana. Nakakalaki ng ulo kapag nakikita mong kinikilig yung mga kababaihan sa bawat strum ng gitara at buga ng linya ng kanta. Me pailan-ilan ding di ko malaman kung lalake ba talaga o sadyang naa-epektuhan yata ng global warming ang utak kaya kinilig.

"Ipanghuli na natin yung section nila Ms. 2011"

Hapon na, last subject nila. Nagulat nalang yung teacher nila nung katukin ko yung room nila.

"Pwede po bang mangharana?" bungad ko.

Napatingin sakin ang lahat ng kaklase nya.

"Para po sa SSG to". Dagdag ko.

At anyun na nga. Pumunta ako sa "harap" nila at nagpabibo gamit yung gitarang halos nangangayaw na sa bawat strum ko.

"Anu ba yung gusto nyong kanta?'
Tanong ko sa kanila.

"Your Guardian Angel nga"
Request nila, at bago pa magbago ang isip nila sinimulan ko na yung panghaharana.

"When i see your smile .."

Sabay tumitig ako sa kanya, kinikilig na yung mga classmate niya pero wala akong pakialam, siya lang yung nakikita ko.

"... Tears run down my face"

Hindi ko parin maintindihan ngayon kung bakit parang nagslow mo lahat ng bagay sa paligid nung mga panahong yun. Parang walang ibang tao sa room na yun kundi ako, sya at yung sirang gitara.

"I will never let you fall .."

Nakatitig lang din sya sakin nun, pangiti-ngiti, kinikilig.

"I'll stand-up with you forever, i'll be there through it all, even if saving you sends me to heaven "

At doon na natapos yung araw na yun.

Kinagabihan
naglalaro ako ng Crossfire (dapat bayaran ako ng gameclub phil. dito inaadvertize ko game nila hahaha) nang..

"glamorous09 has logged in."

Kaagad ko syang piniem (private message)

-Ecstasy-: Hi ;)
... Habang rinaratrat ko yung dalawang GR sa bombsite.

glamorous09: Kanina ka pa?

... Deads ako. 6-7 score lamang na sila.

-Ecstasy-: Medyo, i miss you :)

... Papunta akong B-site nang makapulot ako ng AWM.

glamourous09: :)
glamorous09: san ka naglalaro?

  ... 3 na napapatay ko. Running low on health abang mode.

-Ecstasy-: Dito kina Geron (Geron was my PIC that time. Doon na nga ako halos makatira sa kanila. Sobrang bait nun)

.... Dead again kaya minabuti kong tigilan na ang paglalaro

glamorous09: ah okay.

-Ecstasy-: Malapit na pala JS ah? Punta ka ba?

glamorous09: Oo naman, ikaw?

-Ecstasy-: Oo basta ba ikaw first dance ko.

glamorous09: Oo ba :)

-Ecstasy-: Hmmm. Out na ako. Si geron naman maglalaro. Tom ah?

glamorous09: oh sige bye :)

JS Prom

Araw ng mga nagkakapalang make-up, nagpapaangasang mga dudung at halo-halong amoy ng pabango, beer at yosi.

Hindi ganun kagarbo yung suot ko nun. Bahala na me ma suot lang.

Ang ganda nya, mali, sobrang ganda nya.

First blood ako nung gabing yun, nagintermission number ako. Nagdougie ako, joke, napilitan akong sumayaw noon kahit parehong kaliwa ang paa ko. Plus grades daw kasi tapos libre cutting sounds like a nice deal diba? :)

"Every now and then ..."

Tumugtog na yung sweet music.

"I'll make a wish for you ..."

Lalapitan ko na sana sya ng..

Inunahan ako nung asungot na ex nya.
Wala akong nagawa, kaya nagmini-mini-minie-moe ako kung sino yung malas na maaapakan ko ang paa.

to make this short let's skip.

Final tally.

48 yung nasayaw ko. :3

Maguumaga na, inannounce na ng mga teacher na last one hour na tapos tulugan na.

"Uwian na!" Sigaw ko.

Badtrip padin ako noon. Pero nakita kong tumingin sya sa kinaroonan ko nun, at kapuna-punang may lungkot sa mga mata nya. Nadurog ako. Nawala yung pagkaasar ko. Nilapitan ko na sya, pero may asungot na namang yumaya sa kanya para sumayaw. Pabalik na sana ako sa kinauupuan ko nang nakita kong tinanggihan nya yung asungot. Tinakbo ko sya.

"Can i have this dance?" sabay abot ko ng kamay ko.

Inabot nya rin ang kamay nya. At naglakad na kaming dalawa papunta sa gitna. Kinikilig na yung mga myembro ng Fan's Club namin nun. Panu ba naman kami yung unang pares na naglakas loob na pumunta sa gitna.

At two by two, dumami ng dumami yung mga nagsasayaw.

"Sorry kanina si..." Pagpapaumanhin nya.

"Okay lang yung, naasar ako pero matitiis ba naman kita?" sagot ko.

"Akala ko di mo na ako isasayaw" malungkot nyang sinabi.

"Pwede ba naman yun eh kaya nga ako sumali sa prom eh para lang maisayaw ka" sagot ko sa kanya.

Napangiti sya, napawi na yung lungkot na kanina lang ay kitang-kita sa mukha nya.

"Hindi na kita bibitawan, okay lang ba?" tanong ko sa kanya.

"Ikaw bahala, okay lang sakin" Sagot nya.

Hinigpitan ko yung hawak ko sa kanya. At unting unti nalang ay parang magkayakap na kaming dalawa. Ganun din ang ginawa nya.

Makailang ulit ko ding naapakan yung mga paa nya, pero di nya iniinda. Makailang ulit din akong kinakalabit ng mga asungot dahil naiinggit sila sa ganda ng kapareha ko pero di namin sila pinansin. Parang amin yung gabi, para bang wala kaming katabi.o

Maguuwian na. Unti-unti nang nauubos yung mga pares sa dancefloor pero andun padin kami.

"Panu ba yan, uwian na"
Sabi ko

"Oo nga eh, bitin" sagot nya.

At naglakad na kami sa kinauupuan nila.

"Mahal kita." bulong ko sa kanya bago ko binitawan yung malalambot na kamay nya at bumalik na ako sa kinauupan ko.

Itutuloy ....